^

PSN Palaro

Sino ang tatanghaling MVP ng PBL?

-
Sino ang tatanghaling kauna-unahang Most Valuable Player ng bagong era ng PBL: 20 Years and Beyond?

Sa katunayan, limang manlalaro ang mahigpit na naglalaban-laban para sa prestihiyosong award at ang kasagutan ay malalaman bukas sa gaganaping Achievement Awards na nakatakda sa alas-2 ng hapon sa Pasig Sports Center.

Nangunguna sa karera si Gary David ng Montana na may 569 puntos. Tinaguriang ‘Fourth Quarter Man’, angat siya sa scoring field sa kanyang average na 18.8 puntos, kabilang ang mataas na 33 percent (30-of-91) mula sa arko at 56 percent mula sa field (79-of-141) bukod pa sa kanyang average na 5.6 rebounds.

Ngunit dahil sa pagbagsak ng Jewelers sa ikaapat na puwesto, ang kanyang kampanya ay dumausdos na rin kontra sa tatlong manlalaro ng Hapee Toothpaste na sina Allan Salangsang, Peter Jun Simon at Rich Alvarez.

Pumangalawa si Salangsang sa overall sa kanyang itinalang 542 SPs may average na 10.4 puntos at 5.2 rebounds. Siya rin ang league’s best sa field na may 61 percent mula sa 38-of-62 tangka.

Hawak naman ni Simon ang ikatlong puwesto sa kanyang 537 SPs nang tumapos siya ng ikaapat sa scoring sa kanyang 14 puntos, habang nasa ikaapat na puwesto sa overall si Alvarez na may nalikom na 503 puntos.

ACHIEVEMENT AWARDS

ALLAN SALANGSANG

FOURTH QUARTER MAN

GARY DAVID

HAPEE TOOTHPASTE

MOST VALUABLE PLAYER

PASIG SPORTS CENTER

PETER JUN SIMON

RICH ALVAREZ

YEARS AND BEYOND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with