Ito ang ikalawang panalo ng Tigers sa single round quarterfinals na ito at nagbigay sa kanila ng playoff para sa huling semifinal slot.
Sa katunayan, maaari nilang makubra ang unang puwesto sa best-of-five cross over semis kung mananalo ang Ginebra laban sa Red Bull na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.
Nagsanib ng puwersa sina Jeffrey Cariaso at Rafi Reavis na may pinagsamang 44-puntos para ipalasap sa Phone Pals ang kabiguan na nagbagsak sa kanila sa 1-1 record at naglagay sa kanila sa alanganin na makapu-westo sa top-two na siyang uusad sa susunod na round.
Bukod sa 20-puntos na produksiyon ni Reavis, mahusay na depensa rin ang kanyang ginawa laban sa main man ng Talk N Text na si Paul Asi Taulava katulong si Cris Bolado na bagamat nakapag-produce ng 28-puntos at 14 rebounds ay hindi naman nito naikunekta ang mga krusyal na pun-tos.
Umabante ng limang puntos ang Tigers, 92-87 mula sa freethrows ni Cariaso, 5 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro ngunit isang bibihirang four-point play ang kinana ni rookie Jimmy Alapag para ma-kalapit sa 91-92.
Ngunit kampante namang isinalpak ni Poch Juinio ang dalawang free-throws para iselyo ang final score tungo sa kanilang tagumpay.
Isang nakakakilig na eksena ang nasaksihan sa halftime nang mag-propose ang Red Bull player na si Vince Hizon sa kanyang kasintahan na side court anchor ng NBN broadcast journalist na si Patricia Bermudes na pumayag namang magpakasal sa player. (Ulat ni Carmela Ochoa)