^

PSN Palaro

Gabito naka-silver uli sa Asian Grand Prix sa Bangkok

-
Nalusutan ni Lerma Bulauitan-Gabito ang hindi magandang panimula upang maangkin ang ikalawang silver sa women’s long jump sa ikatlong yugto ng Asian Grand Prix sa Bangkok, Thailand noong Huwebes.

Ang tubong-Cagayan na si Gabito ay tumalon ng 6.39m sa kanyang ikaanim at final attempt ngunit nabigo na malagpasan ang 6.48m na marka ni Yelena Kochsheyeva ng Kazakhstan sa ikatlong pagkakataon sa naturang event.

Ang isa pang Pinay long jumper na si Maristella Torres , silver medal winner sa unang leg sa Hyderabad, India, ay tumalon lamang ng 6.29m at mabigo sa local hometown bet na si Rittiwat Watcharee na sumungkit ng bronze medal.

Bunga ng panalong ito, tumanggap si Gabito ng halagang $1,500 at idagdag sa una niyang nakuhang $1,500 matapos ang tatlong panimula.

Ang gold ay nagkakahalaga ng $3,000 at $500 naman sa bronze.

"Hindi na masama kung ang premyo lang ang pag-uusapan. Pero parang hirap makuha ang rhythm ko. I will try my best sa Manila," ani Gabito.

ASIAN GRAND PRIX

BUNGA

GABITO

HUWEBES

HYDERABAD

KAZAKHSTAN

LERMA BULAUITAN-GABITO

MARISTELLA TORRES

RITTIWAT WATCHAREE

YELENA KOCHSHEYEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with