Luzon naghari sa Tour de Ala Eh
June 5, 2003 | 12:00am
Gaya ng dapat asahan, pinangunahan ng Patrol 117 skipper na si Bernard Luzon ang 16th edition ng Tour de Ala Eh na ginanap noong nakaraang Martes sa Bungahan, Cuenca, Batangas.
Tinapos ng 27-anyos na si Luzon, na tubong Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija ang 135 kilometrong karera na nagsimula sa Agoncillo, Batangas at nagwakas sa Barangay Bungahan sa Cuenca sa tatlong oras, 30 minutos at 29.79 segundo upang pangunahan ang category A.
Ito ang ikalawang pagkakataon na pumedal si Luzon na kasama ang kanyang mga teammates sa Philippine Navy Seabees na napagwagian ang annual Batangas bikefest na ito makaarang magwagi sa 1999 edisyon na sinundan ng kanyang paglahok sa Tour of Ireland.
Pumangalawa naman ang team captain ng Pagcor Sports na si Ryan Tanguilig ng PAF sa likod ni Luzon.
Nagrehistro si Tanguilig, nanguna sa breakaway group papasok sa town proper ng Alitagtag ng parehong oras na ipinoste ni Luzon kasama ang dalawang siklista na sina Eusebio Quinones at Arnel Espino na miyembro rin ng Pagcor Sports at Philippine Seabees squads.
"Hinayaan ko lang muna sila nung una at dun na lang ako humataw sa last two rounds pagdating na dito sa Cuenca," wika ni Luzon patungkol sa huling dalawang 8 rounds ng Cuenca-Alitagtag circuit na inorganisa ni Philippine National Cycling Association (PNCA) director Pepe Chavez at Cuenca sports patron and businessman Janno Marasigan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest