Si Reyes, na kapapanalo pa lamang noong Hunyo 1 sa Manila leg ng San Miguel Asian 9-ball tour na ginanap sa Pearl Plaza sa Parañaque, ang siyang magtuturo sa mga babaeng manlalaro para sa ladies billiard tournament kung saan magi-ging sponsor si Marcos.
Kumita si Reyes ng $20,000 (P1.06M) matapos nitong matalo si Warren Kiamco sa nasabing tournament na inorganisa ng ESPN Star Sports.
Isang resolusyon ang inihain ni Marcos bilang pormal na pagkilala kay Reyes sa kanyang naibigay na kakaibang karangalan sa bansa.
Sinabi naman ni Reyes na dapat isulong ng Pilipinas na mapasali sa Olympics ang larong billiards dahil malaki ang pag-asa ng bansa na makapaghakot ng ginto sa naturang larangan.
"Sa billiards talaga tayo may pag-asang makapaghakot ng gold medals sa Olympics," pahayag ni Reyes sa isang press conference na ginanap sa Kongreso.
Sinabi naman ni Marcos na nakatulong din si Reyes sa pag-angat ng negosyo sa bansa dahil nagsulputan ang mga bilyaran sa ibat ibang panig ng Pilipinas simula nang manalo siya bilang Worlds Best Billiard Player.
"Isang natatanging manlalaro ng bilyar si Efren. Dapat lang na pa-purihan natin siya," wika pa ni Marcos. (Ulat ni Malou R.Escudero)