Nagtala si David, tubong Dinalupihan, Bataan ng kabuuang 492 statistical points makaraang kumulekta ng 297 puntos sa statistics at 195 points sa mga naipanalong laro.
Kasalukuyan rin siyang nangunguna sa scorer sa kan-yang itinalang average na 19.5, ikalima sa field sa kanyang 58 percent na naikamada (66-of-114) bukod pa ang 5.2 rebounds kada laro.
Bumagsak naman sa ikalawang puwesto ang dating lider na si Ranidel de Ocampo na may 481 SPSs at ang pagbulusok ng John-O matapos na malasap ang limang dikit na kabiguan sa semis ang tuluyang dumiskaril ng kanyang kampanya para sa MVP.
Tanging tatlong manlalaro ng Hapee Toothpaste sina Peter Jun Simon, Allan Salang-sang at Rich Alvarez ang magiging mahigpit na kalaban ni David para sa MVP.
Si Simon, tubong North Cotabato ang ikatlo sa overall sa kanyang nalikom na 443 SPs, pangatlo rin siya sa scoring na may 14.2 at ikaanim sa freethrows na may 82 percent mula sa 41-of-50 attempts.
Si Salangsang ang nasa pang-apat na may 431 SPs na nagtala ng average na 9.4 points at 5.2 rebounds habang ikalima naman si Alvarez na may 421 SPs at ikatlo sa rebounds sa kanyang 9.3.