"We are proud about the Manila Marathon playing a major role for this years SEA Games," wika ni Ali Atienza, chairman ng Manila Sports Council na siyang co-organizing ng naturang event kasama ang Manila Sports Foundation na binigyan ng sanction ni PATAFA chief Go Teng Kok.
Inaasahang sasabak ang mga national runners sa Manila Marathon na papakawalan ng umaga sa Hunyo 22 na dadaan sa mga pangunahin at makasaysayang daan, business at commercial district ng siyudad na magtatapos sa Quirino Grandstand.
Inaasahan rin na muling tatakbo ang top-ranked runner ng bansa na si Allan Ballester kasama ang reigning SEA Games champion na si Roy Vence at kapwa niya national na si Crisanto Canillo na hindi lang magpapakita ng kani-kanilang tikas para mapasama sa national squad at slot para sa Vietnam SEAG kundi para rin sa nakalaang P75,000 premyo.
Siguradong makakatikim si SEA Games champion Cristabel Martes ng mahigpit na laban kontra sa sumisikat na si Flordeliza Cachero para sa womens purse na P50,000.
Isa pang national runner na si Eduardo Buenavista, na bagamat bihasa sa steeplechase at 10,000 meter specialist na kinukunsiderang magiging tinik sa Manila Marathon.
Tampok rin sa full 42.195-km race ang 10K, 5K at 3K na inaasahang lalahukan ng iba pang miyembro ng national athletics team, celebrities, media, VIPs government officials, executives at may kapansanan.