^

PSN Palaro

Commissioners vs Governors sa PBA All-Star

-
Matutunghayan ngayon ang engkwentro ng Commissioners at Governors Selection sa All-Star Game sa alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Ang mga starters ng Commissioners side ay sina Paul Asi Taulava at Jimmy Alapag ng Talk N Text, Romel Adducul at Eric Menk ng Ginebra at Willie Miller ng Red Bull.

Ibinoto ng fans si Mark Caguioa para maging starter ng Group B ngunit nagkaroon ito ng injury. Si Johnny Abarrientos sana ang papalit kay Caguioa ngunit injured din ito kaya si Miller ang umangat.

Kabilang sa mga ibinoto ng coaches na reserves ng Commissioners ay sina Lordy Tugade, Mick Pennisi at rookie Enrico Villanueva ng Red Bull, Jeffrey Cariaso at Rudy Hatfield ng Coca-Cola, Cris Calaguio at Cris Jackson ng Shell.

Si Pennisi at Villanueva ang pumalit kina Davonn Harp at Jun Limpot na nasuspindi matapos bumagsak sa drug-test ng PBA.

Sa Governors squad, ang mga starters naman ay sina Kenneth Duremdes at Marlou Aquino ng Sta. Lucia, John Arigo ng Alaska, Danny Ildefonso ng San Miguel at Vergel Meneses ng FedEx.

Ang mga reserves naman ay ang tatlong SMBeermen na sina Dondon Hontiveros, Olsen Racela at Nick Belasco, Kerby Raymundo ng Pure-foods, Dennis Espino ng Sta. Lucia at rookie Mike Cortez ng Alaska.

Mauuna muna ang finals ng mga side events tampok ang Slamdunk contest na sisimulan sa alas-4:00 ng hapon. (Ulat ni CV.Ochoa)

vuukle comment

ALL-STAR GAME

ARANETA COLISEUM

CRIS CALAGUIO

CRIS JACKSON

DANNY ILDEFONSO

DAVONN HARP

DENNIS ESPINO

DONDON HONTIVEROS

ENRICO VILLANUEVA

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with