"While we see no basis for the overturning of the sanctions, we are open to appeals. Of course, there is always that possibility that human error was involved but I am firm in the belief that we took enough steps to ensure that the possibility of that would be slim," ani Eala.
Ayon kay Eala, mababago lamang ang kanyang desisyon kung mapapatunayang sa ikalawang urine test na may pagkakamali sa breakdown ng chemical components sa naunang pagsusuri.
Kinuwestiyon nina Dorian Peña ng San Miguel, Jun Limpot ng Ginebra at kahapon ay si Davonn Harp ng Red Bull na nagsabing kahit kailan ay hindi ito gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Kamakalawa, sinabi nina Peña at Limpot na posibleng may human error sa kanilang drug tests at posibleng may kinalaman din ang kanilang kasalukuyang pag-inom na gamot. Si Limpot ay may iniinom na gamit para sa kanyang Respiratory problem tulad ni Peña na umiinom din ng Diet pills na Xenadrine na ayon sa kanya ay may halong mga substance na may pagkakahawig sa component ng shabu.
Pinadrug test ng Red Bull si Harp sa New World Laboratory at lumabas na negatibo ito sa Cannabinoids at Amphetamines, sangkap ng shabu, na taliwas sa resulta ng drug test na isina-gawa ng Department of Health at Philippine National Police.
Bukod sa tatlong ito, pinatawan din ng indefinite suspension sina Noli Locsin at Long David ng Talk N Text at Ryan Bernardo ng FedEx bukod pa sa rehabilitation. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)