^

PSN Palaro

Eala matatag sa desisyon

-
Mananatili pa rin ang indefinite suspension na ipinataw ni PBA Commissioner Noli Eala kahit na umalma na ang tatlong players sa anim na bumagsak sa drug testing ngunit tatanggapin nito ang apila na ihahain ng mga teams.

"While we see no basis for the overturning of the sanctions, we are open to appeals. Of course, there is always that possibility that human error was involved but I am firm in the belief that we took enough steps to ensure that the possibility of that would be slim," ani Eala.

Ayon kay Eala, mababago lamang ang kanyang desisyon kung mapapatunayang sa ikalawang urine test na may pagkakamali sa breakdown ng chemical components sa naunang pagsusuri.

Kinuwestiyon nina Dorian Peña ng San Miguel, Jun Limpot ng Ginebra at kahapon ay si Davonn Harp ng Red Bull na nagsabing kahit kailan ay hindi ito gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kamakalawa, sinabi nina Peña at Limpot na posibleng may ‘human error’ sa kanilang drug tests at posibleng may kinalaman din ang kanilang kasalukuyang pag-inom na gamot. Si Limpot ay may iniinom na gamit para sa kanyang Respiratory problem tulad ni Peña na umiinom din ng Diet pills na Xenadrine na ayon sa kanya ay may halong mga substance na may pagkakahawig sa component ng shabu.

Pinadrug test ng Red Bull si Harp sa New World Laboratory at lumabas na negatibo ito sa Cannabinoids at Amphetamines, sangkap ng shabu, na taliwas sa resulta ng drug test na isina-gawa ng Department of Health at Philippine National Police.

Bukod sa tatlong ito, pinatawan din ng indefinite suspension sina Noli Locsin at Long David ng Talk N Text at Ryan Bernardo ng FedEx bukod pa sa rehabilitation. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

CARMELA V

COMMISSIONER NOLI EALA

DAVONN HARP

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIAN PE

EALA

JUN LIMPOT

LONG DAVID

NEW WORLD LABORATORY

NOLI LOCSIN

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with