^

PSN Palaro

Silver medal nahagip ni Torres

-
Sa kabila ng di magandang klima, nagawa pa ring isubi ng reigning Milo National Open long jump champion Maristella Torres ang silver medal sa unang yugto ng apat na leg ng Asian Athletics Grand Prix sa Hyderabad, India noong Miyer-kules.

Tumalon ang tubong San Jose, Negros Oriental ng 6.21 metro sa likod ng 6.62 distansiya ng gold medalist na si Yelena Kocksheyeva ng Kazakhstan.

Ang talon na ito ni Torres ay malayo sa kanyang naiposteng 6.40m sa nakaraang 2002 Asian championships na ginanap sa Colombo, Sri Lanka kung saan siya ay tumapos ng ikatlo sa likod ng kababayang si Lerma Bulauitan-Gabito at ng kanyang nakalaban ngayon sa nasbaing event.

Gayunman, pumang-apat lamang si Gabito ngayon matapos na magrehistro ng 6.11m sa likod ng nanalong si Elena Bobrovskaya ng Kyrgystan para sa bronze.

Ayon kay Go Teng Kok, PATAFA chief, ang performance na ito ng 22-anyos na si Torres, ku-mubra ng $1,500 ay nagpapakita lamang ng magandang laban para sa nalalapit na Vietnam SEAG, huwag lang ma-sasalanta ng injury kung saan isa ang Vietnam na mahigpit na kalaban.

Ang naturang dalawang tournament ay dadayo naman sa Colombo, Sri Lanka sa Hunyo 1, bago tutungo sa Bangkok sa Hunyo 5 at sa Manila sa Hunyo 9 para sa ika-apat at huling yugto.

ASIAN ATHLETICS GRAND PRIX

ELENA BOBROVSKAYA

GO TENG KOK

HUNYO

LERMA BULAUITAN-GABITO

MARISTELLA TORRES

MILO NATIONAL OPEN

NEGROS ORIENTAL

SAN JOSE

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with