ngayong gabi sa tiyak na dudumuging Araneta Coliseum.
Muling matutungha-yan ang mahigpit na magkaribal na Corollas at Redmanizers na siyang bumuhay sa PBA sa mga naunang taon ng liga.
Matutunghayan ang muling pagsasama ng tinaguriang Living Legend na si Robert Jaworski na isa na ngayong senador at ng Four Time Most Valuable Player na si Mon Fernandez na babandera para sa Tamaraws.
Sina three-time MVP Bongs Adornado, Atoy Co, Philip Cesar, Abet Guidaben, Freddie Hubalde at iba pa ang babandera naman para sa Crispa.
Tampok din ang two-ball competition ng mga coaches at assistant coaches sa halftime kung saan paboritong manalo sina Purefoods coach Ryan Gregorio at ang kanyang assistant na si Ronnie Magsanoc.
Magkakaroon muna ng eliminations ng Two-Ball competition, Obs-tacle Challenge, Three-point shoot-out at Slam Dunk competition na magsisimula sa alas-5:00 ng hapon na susundan ng Crispa-Toyota game. Ang finals ay sa All-Star game sa Linggo.
Si Adornado, ang unang Most Valuable player nang magsimula ang PBA noong 1975 ay nagbulsa ng tatlong MVP trophies. (Ulat ni CVOchoa)