^

PSN Palaro

6 PBA players suspendido sa drugs

-
Kasabay ng pananalasa ng bagyong si ‘Chedeng’, sinalanta din ng bagyo ang Philippine Basketball Association matapos patawan ng indifenite suspension ang anim pang manlalaro at tatlong utility boys na natuklasang positibo sa ipinagbabawal na droga.

Matapos ang isinagawang mandatory drug test na ipinatupad ni PBA commissioner Noli Eala sa lahat ng manlalaro, coaches at maging ang PBA staff, kinumpirma ng PNP Crime Laboratory na anim dito ay positibo sa shabu at marijuana.

Ang mga ito ay sina Dorian Peña ng San Miguel, Davonn Harp ng Red Bull, Ryan Bernardo ng FedEx, Noli Locsin at Long David ng Talk N Text at ang sorpresa ay ang pagkakasama ng pangalan ni Zandro ‘Jun’ Limpot ng Barangay Ginebra.

" It is with a tinge of regrets that I am indefinitely suspending tha players after the mandatory testing," malungkot na pahayag ni Eala

Ang anim na manlalaro ay sasailalim sa rehabilation program at pag-aaralan at rerebisahin ang kanilang kaso pagkatapos ng kanilang programa sa loob ng anim na buwan.

Ngunit iba sa kaso ni Peña na sa ikalawang pagkakataon ay muling naging positibo sa ipinagbabawal na droga.

Unang natuklasang may bahid na ‘marijuana ‘ ang urine sample ni Peña bago nagsimula ang PBA season at sinuspindi ng dalawang laro.

Si Peña ay kailangang sumailalim sa rehabilitation sa loob ng isang taon at pagkatapos nito saka pa lamang rerebisahin ang kanyang kaso kung maaari pa siyang makapaglaro sa PBA.

Ang tatlong utility boys naman na bumagsak sa drug testing ay pinatalsik na at ban sa kanilang koponan.

Dahil sa kaganapang ito, nabulilyaso ang isinasagawang preparasyon ng PBA para sa All-Star game na nakatakda sa Linggo dahil sa pagkakasama nina Harp at Limpot kung saan kabilang ang dalawa sa pitong reserved players ng Commissioner’s Selection na pinili ng mga coaches.

At sa kasalukuyan, wala pang napipiling kapalit sa dalawang players na ito.

Samantala, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text at San Miguel Beer sa unang laro habang sinusulat ang balitang ito na agad namans susundan ng tagpo ng Coca-Cola Tigers at FedEx sa pagtatapos ng elimination round.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA TIGERS

CRIME LABORATORY

DAVONN HARP

DORIAN PE

LIMPOT

LONG DAVID

NOLI EALA

NOLI LOCSIN

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with