Sa kuwento palang ni Eala, excited na ako kaya naman hindi ko pinalampas at pinanood ko ang naturang show.
Guest ang Crispa at Toyota players. Naroroon si Robert Jaworski na ngayon ay senador na upang pangunahan ang Tamaraws na kasama rin si coach Dante Silverio at sa kabilang dako naman ay pinamunuan ni Atoy Co at Philip Cesar ang Redmanizers.
Kuwela talaga ang mga players dahil kanya-kanyang papansin ang ginawa.
Noong araw na yun ko lang rin nalaman na maganda pala ang boses nina Gil Cortez, Ed Cordero, Tito Varela at Atoy Co.
Kuwela din sila sa tagisan ng bunong braso kung saan nandaya pa si Chito Loyzaga ng kanyang kilitiin si Tito para lang talunin ito.
Eh kung dito palang eh kalog na sila, tiyak na hahataw sa katatawanan ang laro sa May 30 kung saan itinakda ang reunion game sa pagitan ng dalawang pinakasikat na koponan sa PBA.
Dahil ubos na ang mga tickets para sa game na ito. Inaasahan na ang Part 2.
Sa katunayan, mas nadalian itong buuin ang Crispa dahil hanggang ngayon ay nagkikita-kita pa ang mga Redmanizers.
Kaya nga sa labang ito, liyamado ang Crispa dahil sa buo ang starting five nila na sina Atoy Co, Abet Guidaben, Philip Cesar, Bernie Fabiosa at Bogs Adornado.
Kaya nga nagkaroon pa ng problema sa Crispa side dahil maraming Redmanizers ang nais maglaro sa reunion game na ito eh 15 o 12 lang ang players na kailangan.
Well, for sure, kahit na hindi makakalaro ang ibang Crispa cagers tiyak na naroroon sila sa Big Dome para mag-cheer sa kanilang team.
Di ba Atoy?