^

PSN Palaro

Hatfield, Menk nagsosyo

-
May dalawang koponang may nais marating nitong nakaraang linggo. Gustong makasama ng Coca-Cola sa Asian Invitationals at nais namang makasulong ng Ginebra sa quarterfinals ng PBA Samsung All-Filipino Cup.

Para maabot ang kani-kanilang layunin, sumandal ang dalawang koponang ito sa impresibong performance ng dalawang manlalaro.

Ang una si Rudy Hatfield.

Bago ang kanilang laban kontra sa Sta. Lucia, naka-2-2 ang Tigers sa kanilang apat na laro at nabigong makakuha ng outright berth sa ikalawang kumperensiya.

Kinailangang talunin ang Sta. Lucia na gusto ring maka-puwersa ng three-way tie para sa huling Asian Invitational ticket.

Tinupad ni Hatfield ang hangarin ng Tigers sa pamamagitan ng kanyang triple-double performance para mapiling Samsung Player of the Week para sa linggong Mayo 19-25.

Si Hatfield ay nagtala ng 16 points, 12 rebounds at 10 assists sa 37 minutong paglalaro para sa kanyang kauna-unahang career triple double. Mayroon din itong apat na steals at dalawang blocks para sa Coca-Cola na gumamit ng 16-0 run sa unang quarter tungo sa kanilang 98-76 panalo.

Pero hindi nasolo ni Hatfield ang karangalan nang magpasiklab naman si Erik Menk.

Dahil dismayado ito sa naging performance ng kanyang koponang Ginebra at sa pagkakasibak ng kanyang paboritong koponang Detroit Pistons sa NBA, ibinuhos ni Menk ang kanyang sama ng loob sa hardcourt.

Hindi napigilan ng malakas na front line ng Shell si Menk sa paghakot ng 31 puntos at 21 rebounds sa kanyang 39-minutong performance na hinangaan ng lahat.

ASIAN INVITATIONAL

ASIAN INVITATIONALS

COCA-COLA

DETROIT PISTONS

ERIK MENK

GINEBRA

HATFIELD

MENK

RUDY HATFIELD

SAMSUNG ALL-FILIPINO CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with