^

PSN Palaro

Pinoy pugs KO sa SARS

-
SEVILLE, Spain -- Dahil sa pagkalat ng SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome) sa Asia, nadamay pati ang paglahok ng RP Revicon boxing team sa 24th Acropolis Cup makaraang initsapuwera ang Filipinos ng organizers sa naturang tournament.

Nakatakdang magbiyahe patungong Greece ang Filipinos sa Lunes (Martes sa Manila) para sumabak sa nabanggit na slugfest, ngunit napuwersa silang kanselahin ang kanilang biyahe makaraang ipabatid ng organizers noong Sabado na hindi na sila puwedeng lumahok.

Ilang ulit na tumawag si Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez sa Acropolis organizers upang iapela ang kaso ng Filipinos, ngunit wala ring nangyari. Kabilang sa hindi makatwirang dahilan na ibinigay sa Philippines ay hindi sila inanyayahang lumahok at hindi rin sila nakatugon sa confirmation deadline.

Pero ayon kay Lopez, nagpadala ang organizers ng imbitasyon noon pang Enero 3, 2002 at ipinadala naman ng ABAP ang kanilang kumpirmasyon ng paglahok noon pang buwan ng Marso.

Ayon pa sa kanya, puspusan ang ginagawang pagsasanay ng Filipinos para sa naturang tournament simula pa noong 1992 at ang kanilang pagtanggi ay masyado ng huli kung saan sila ay nasa Europe na at ang Athens ang siyang huli nilang biyahe para sa kanilang three-country itinerary.

Sumabak ang RP Revicon sa 7th A. Socikas Cup sa Kaunas, Lithuania mula Mayo 14-18 bago nagtungo dito para sa BoxAm tournament na nagwakas noong Sabado.

At ang huling pag-asa na lamang ng Filipinos ang pakiusapan ni Lopez si Bulgarian Jet Chev, head ng Amateur International Boxing Association’s powerfull judges/referees commission na isama ang Filipinos para sa kanya.

Subalit nanatiling matigas ang organizers at isa pang dahilan nito ay ang pagsasabing kumpleto na ang tournament dahil 16 na ang bansang umentra at wala ng puwesto para sa RP.

At dahil sa wala ng iba pang paraan, inutusan na lamang ni Lopez ang ABAP’s travel agent sa Manila na ire-book na lamang ang ticket ng 11-man contingent at di na tutungo pa sa Athens.

At nitong nakaraang Linggo lamang nabatid ni Lopez ang tunay na dahilan ng pag-ayaw sa kanila ng organizers ay ang pagkalat ng SARS nang kanyang kausapin si Jung Jaekyu, executive director ng Korean Amateur Boxing Association.

Ipinaalam rin ng Korean na ganito rin ang naging karanasan ng South Korean.

Sinabi pa ni Lopez na ang SARS at hindi ang Greeks ang siyang tumalo sa Filipinos sa Acropolis Cup.

ACROPOLIS CUP

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

AMATEUR INTERNATIONAL BOXING ASSOCIATION

BULGARIAN JET CHEV

FILIPINOS

JUNG JAEKYU

KOREAN AMATEUR BOXING ASSOCIATION

LOPEZ

MANNY LOPEZ

REVICON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with