Kasi nga, tinalo ng John-O ang tatlong iba pang semifinalists sa kanilang unang pagtatagpo sa classification round. At hindi basta-basta ang mga panalong naitala ng Senators kontra sa Hapee Toothpaste, Montana Pawnshop at Viva Mineral Water.
In high spirits kumbaga ang John-O sa pagsisimula ng semifinals.
Pero matapos ang unang dalawang laro sa semis ay bumagsak sa lupa ang Senators. Itoy bunga ng pangyayaring nakalasap sila ng dalawang sunod na talo buhat sa Viva at Montana.
Masakit ang pagkatalong sinapit ng John-O kontra sa Viva Mineral Water noong Huwebes. Biruin mong nakalamang na sila ng 18 puntos sa first half, 32-14 at tila nga kontrolado na nila ang laro pero biglang nawala ang kanilang intensity sa second half kung saan inabutan at naungusan pa sila ng kalaban. Para bang nawalan sila ng poise nang humabol ang Viva at sila pa ang na-rattle dahil sa pressure bagamat mas beterano silang maituturing.
Marahil, ang pagkatalong iyon sa Viva ay ininda nila nang husto kung kayat kontra Montana ay wala pa rin silang nagawa. Dapat sanay isinaisang-tabi na lang nila ang mapait na karanasan kontra sa Viva upang makapag-concentrate sa Montana pero hindi nga iyon ang nangyari.
Kung sabagay, double round naman ang semis ng Sunkist Unity Cup at may sapat pang panahon upang makahabol at makabawi ang John-O. Bale may apat na laro pang nalalabi at kung maipapanalo nila lahat ito ay papasok pa rin sila sa Finals.
Pero matindi ang susunod nilang makakalaban bukas. Kasi nga, sinasabing kung ibabase sa line-ups ng mga teams ang pagpredict ng maghaharap sa Finals, malamang na Hapee ang makalaban ng John-O. Bukod sa may experience ang Hapee na siyang sumegunda sa Welcoat House Paints sa nakaraang torneo ng PBL ay halos intact ang koponan ni coach Junel Baculi maliban sa pagkawala ni John Ferriols na ngayon ay naglalaro sa FedEx sa PBA. Pero okay naman ang mga idinagdag ni Baculi sa Hapee na sina Rich Alvarez, Wesley Gonzales, Larry Fonacier at LA Tenioro na pawang mga Atenista.
Mahihirapan ang John-O sa Martes subalit kung magagawa nilang talunin ang Hapee, tiyak na mababawi nila ang kanilang kumpiyansa.
Pero kung muling matatalo ang John-O, goodbye na sa kanilang ambisyong mamayagpag sa PBL.
Sa tutoo lang, maganda itong semifinals cast ng Sunkist Unity Cup, eh. Gutom na gutom ang apat na koponang nasa yugtong ito kung kayat nagiging unpredictable ang outcome ng bawat laro. Tuloy ay nagiging exciting ang torneo.