Lhuillier, Compak nanalo
May 26, 2003 | 12:00am
OZAMIZ City - Agad na ipinamalas ng mga paboritong M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu at Compak Shineway-Ozamiz ang kanilang kampanya nang magposte ng impresibong panalo sa pagbubukas ng National Basketball League (NBL) National Championships sa Governor Angel N. Medina Sr., Memorial Gym noong Sabado ng gabi (May 24).
Sa unang laro, kumana ang guard na si Woodraw Enriquez ng walong puntos sa krusiyal na third period break-away na siyang naging susi ng Cebu sa kanilang pagposte ng 81-72 tagumpay kontra sa Spring Cooking Oil-Bulacan.
Sumandig naman ang Ozamiz sa 10-2 opening salvo upang iposte ang 40-26 kalamangan sa halftime na hindi na nila binitiwan pa at itarak ang 77-71 panalo kontra sa Air Philippines-Bacolod sa ikalawang laro.
Magbabalik ang aksiyon sa Hunyo 6 kung saan tampok ang double header sa C.P. Tinga Memorial Hall sa Taguig, Metro Manila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am