"Kailangan lang ingat para di masilat," anang 24 anyos na si Tanamor, na umaasam ng kanyang ikatlong international title.
Tinalo ng 55 na si Tanamor si Salimov sa pamamagitan ng Referee-Stopped-Contest sa ikalawang round sa 48 kg. finals ng Acropolis Cup sa Atheens, Greece noong nakaraang taon. Nauna rito, pinagharian din ng Zamboangeño ang Prof. Chowdry Cup sa Baku, Azerbaijan.
Sinabi ni head coach Pat Gaspi, na nasa tamang porma si Tanamor, at may malaking tsansa para sa ginto sa 11-nation, 12 team tournament na ito.
Ang pinaguukulan ng pansin ni Gaspi ay ang sugat ni Tanamor sa upper right eye brow na kanyang nakuha nang angkinin nito ang silver medal sa 7th A. Socikas Cup sa Kuana, Lithuania noong nakaraang linggo.
"Dapat huwag matamaan o ma-headbutt," ani Gaspi, na inaasistihan ni Alex Arroyo.
Matapos mag-jogging ng isang oras, nakipag-spar si Tanamor sa kakamping si Jenebert Basadre.
" He (Tanamor) moved well today. Unlike yesterday when he was a little bit sluggish," ani Arroyo.
Si Tanamor, silver medalist sa Busan Asian Games ay binigyan ng fried rice na espesyal na inihain sa mga Pinoy kahapon, nang magpa-hinga ang torneo.
Anim na Bulgarians kabilang na si Salimov ang umusad sa finals kasunod ang France na may 4 at South Koreans na may 3. Si Tanamor lamang ang natatanging Pinoy na masasandalan.