Pagkatapos ng practice nila sa Meralco Gym, tuloy na sila sa Channel 2 para sa taping.
Nakakatuwa naman dahil kuwela talaga lahat ng players at naging maganda ang rapport nilang lahat kay Sharon.
Enjoy na enjoy din naman si Sharon dahil hindi niya akalaing ganoon ka-kalog ang mga players ng Crispa at Toyota. Panoorin natin sa Linggo.
All-around. Kahit saan puwede. Magaling na umiskor, magaling pa sa rebounds.
At kitang-kita ang puso nya sa paglalaro.
He truly deserves his MVP award.
Sana lahat ng players dito sa PBA ay magkaroon ng puso sa paglalaro ng tulad ng kay Tim Duncan.
Dalawang reklamo lang nung head coach, hayun, technical agad siya at out of the court.
Ganyan ka-authoritative ang mga referees sa kanila.
Dito sa atin, pinag-mumura na ng coach sa nationwide tv, wala pa rin.
Kaya minsan, walang rumerespeto sa mga referee natin.
Si Paolo ay 16 years old pa lang pero 65 na ang height niya at siyang sentro ng La Salle Zobel.
Umaasa si Paolo na makakarating na sa finals ang La Salle Zobel this year dahil malakas naman daw ang team nila at strongly bonded.
Si Paolo ay fourth year high school na kaya next year, pangarap niyang makatuntong sa senior division.
Favorite player ni Paolo ay si Danny Siegle.
Si Paolo ay anak ng ating kaibigan na si Manny Abelardo na todo-todo rin naman ang suporta sa La Salle Zobel team.