^

PSN Palaro

John-O binuhusan ng Viva Mineral Water

-
Isang impresibong pagbaligtad ang ipinamalas ng Viva Mineral Water sa halftime, nang mula sa 15 puntos na pagkakabaon ay nagrally sila tungo sa 60-58 tagumpay sa semifinals ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Pasay Sports Center.

Pinamunuan ni Dennis Miranda ang Viva sa kanyang 14 puntos habang nag-ambag naman ng 11 si Jeff Napa nang pangunahan ng dalawa ang matinding rally upang makaganti sa kanilang 62-70 kabiguan sa John-O noong Abril 5.

"The guys decided for themselves to stick together and face the challenge," ani Viva coach Koy Banal.

Malakas ang panimula ng John-O sa pamamagitan ng 11-0 atake at tapusin ang unang yugto sa iskor na 20-7 ngunit umabot pa ng hanggang 15 puntos ang kalamangan, 35-20 may 44 segundo ang nakalipas sa third quarter.

Nabaon sa 28-42, nagpakawala ng dalawang triples at dalawang freethrows si Napa para sa 11-0 blast na naglapit sa iskor sa 40-42, may 24.1 segundo na lang ang nalalabi sa huling canto.

Sinundan pa ito ng 7 sunod na puntos ni Miranda sa isa pang 12-2 run upang baligtarin ang 40-44 deficit sa 52-46 kalamangan para sa Viva, may 6:49 pa ang nalalabing oras.

Habang ang lahat ay nasa isip na ng Viva ang kanilang panalo matapos ang 59-53 abante, ngunit naipuwersa ng John-O ang isang mahigpit na endgame nang isang mabilis na layup ni Rani-del de Ocampo at na-intercept niya ang pasa kay Sonny Margate upang makumpleto ang three-point play.

vuukle comment

ABRIL

DENNIS MIRANDA

HABANG

JEFF NAPA

JOHN-O

KOY BANAL

PASAY SPORTS CENTER

SONNY MARGATE

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with