Makakasama ng 24-anyos na si Tanamor, may-ari ng dalawang international titles sa Azerbaijan at Greece noong nakaraang taon sina Warlito Parrenas at Jenebert Basadre sa semifinals ng 11-nation at 12-team tournament na ito.
Makakaharap ni Tanamor si Latvian S. Vladislav sa 48kg division, habang sasabak naman si Parrenas kontra sa Mexican na si Hilares sa 51kg. class.
Makakasagupa ng 23-anyos na si Basadre ang Frenchman na si Dangnoko sa 57kg category.
Tanging sina Tanamor, Basadre at Parrenas na lamang ang magdadala sa kampanya ng six-man RP Revicon matapos na lumasap ng kabiguan sina Esmael Bacongon at Florencio Ferrer noong Miyerkules.
Natalo si Bacongon sa Bulgarian na si Georglev, 25-17, habang yumukod naman si Ferrer sa local bet na si Jose Gutierrez, 27-14 sa 64kg class.
"Ibinigay ng mga bata ang kani-kanilang makakaya, subalit kinapos sa karanasan," wika ni head coach Pat Gaspi na inaasistihan ni Alex Arroyo.
Ayon naman kay Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez, ang tatlong nalalabing fighters ay may magandang tsansa na umusad sa finals, lalo na si Tanamor.
"He (Tanamor) just needs to be carefull and still hoping for a gold or golds," wika pa ni Lopez.
Ang naturang tournament ay sanctioned ng Amateur International Boxing Association ay magkakaroon ng pahinga sa Biyernes kung saan ang finals ay gaganapin sa Sabado.