Umaatikabong aksiyon sa PBL semis simula na
May 22, 2003 | 12:00am
Apat na team ang magsisimula ng kanilang kampanya para sa dala-wang finals berth sa panimula ng semifinals ng Sunkist-PBL Unity Cup sa bagong-gawang Pasay Sports Center.
Makakaharap ng John-O ang Viva Mineral Water sa alas-2 ng hapon na agad susundan ng engkuwentro ng Hapee Toothpaste at Montana Jewels sa alas-4 ng hapon.
Hangad ng John-O na makatikim na kanilang kauna-unahang championship stint sapul nang lumahok sila sa liga noong nakaraang taon, at umaasa si coach Dong Vergeire na muling maibabalik ang kanilang 70-62 panalo sa Viva noong nakaraang Abril 5.
Ngunit sariwa pa sa Viva ang kanilang 71-56 panalo kontra sa Blu at target ng mga bataan ni Koy Banal na ipagpatuloy ang kanilang impresibong debut ngayong conference.
Sa kabilang dako, ang Hapee at Montana ay kapwa may 1-1 record laban sa isat isa.
Puntirya naman ng Teeth Sparklers ang kanilang ikalawang sunod na finals appearance matapos silang mag-runner-up sa Welcoat noong nakaraang conference.
Ngunit matinding paghihiganti din ang naisagawa ng Jewellers nang humatak sila ng 77-70 panalo para maangkin ang ikatlong semifinals berth.
Base sa tournament format, ang apat na semifinalists ay maglalaro nang walang carryover, at double round robin.
Ang dalawang pangunahing team ang maghaharap sa titulo sa best-of-five habang at dalawang huli naman ang maglalaban sa best-of-three para sa third place.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended