^

PSN Palaro

Revamp ang kailangan

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Bago pa tuluyang malubog at maglaho sa kawalan ang PBA team na ito, dapat na silang mag-revamp ngayon pa lang.

Hindi coach ang dapat nilang palitan kundi ilan sa mga players nila na siyang tunay na problema ng team.

Kapag hindi pa sila umaksiyon, wala lang mangyayari sa team nila kahit na sabihin pang malakas ang line-up nila.

Hangga’t nandiyan ang isa sa kanilang problem players, walang mangyayari sa team na yan.
* * *
Mukhang magiging patok na patok ang Crispa at Toyota All-Star Game sa Mayo 30.

In fact, mga taga PBA ang nagsasabi na napakaraming tumatawag sa kanila at naghahanap ng ticket.

Yan ay isang malaking basehan na magiging blockbuster ang game na ito.

Ang mamahal pa ng presyo ng ticket pero kahit mahal yan, marami pa rin ang bibili.

Ang tanong–saan naman kaya mapupunta ang proceeds ng kikitain sa laban na ito ng Crispa at Toyota?

Pati ang tv ads nito ay tiyak na papasukin ng mga advertisers, saan kaya mapupunta ang proceeds nito?

Sino na naman kaya ang makikinabang sa sales ng Crispa-Toyota game?
* * *
Ready na ang halos lahat ng college teams para sa nalalapit na pagbubukas ng NCAA 2003 basketball season.

Patapos na ang Ambrosio Padilla Cup pati na rin ang Fr. Martin Cup.

More or less, alam na nila kung sinu-sino ang malalakas na teams.

Naghahangad ang SSC Stags ng kanilang ikatlong sunod na championship.

Pero hindi papayag ang ibang NCAA teams na sila na naman.

Ang press conference ng NCAA ay gaganapin sa June 23.
* * *
Tingnan nyo ang isang guwapong college basketball player na may 7650 na ngayon.

Mismong siya ang nagsasabing hindi pa niya kayang bumili nu’n dahil mahal.

Hindi po niya binili yan. Bigay yan sa kanya ng isang maya-mang bading na nababaliw ngayon sa mga manggagamit na basketball players.

Pero kahit na manggagamit si player, okay lang kay bading dahil mahal niya raw si player.

Hindi lang yan, naka-plano pa niyang bigyan ng second-hand car si player.

Suwerte si player.

Wala nga raw kapalit ang 7650 na yon.

Owwssss?

vuukle comment

AMBROSIO PADILLA CUP

BIGAY

CENTER

CRISPA

CRISPA-TOYOTA

HANGGA

MARTIN CUP

PERO

TOYOTA ALL-STAR GAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with