Viva Mineral Water pasok sa semis

Tuluyan nang kinubra ng Viva Mineral Water ang kahuli-hulihang slot sa semifinal round ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup matapos ang 71-56 pananalasa sa Blu Star sa kanilang do-or-die game kahapon sa Pasig Sports Center.

Dahil sa panalong ito, makakasama ng Water Force ang John-O Juzz, Hapee Toothpaste at Montana Jewelers sa double round semis.

Sa pagbubukas ng semis round ngayon na gaganapin sa Pasay Sports Complex, makakasagupa ng Viva ang John-O sa pambungad na laban sa alas-2:00 ng hapon at sa ikalawang laro, maghaharap naman ang Hapee at Montana sa alas-4:00 ng hapon. (Ulat ni Carmela Ochoa)

Show comments