^

PSN Palaro

Lerio sumuntok ng ginto

-
KAUNAS, Lithuania – Siniguro ni Arlan Lerio na maging maganda ang kanyang pagbabalik sa ibabaw ng lona nang kanyang ibigay sa Pilipinas ang unang ginto matapos na talunin si Chacigov Chavazi ng Belarus sa second round ng 7th A. Socikas International Boxing Tournament.

Makaraan ang dalawang taong pagkawala sa National pool, nagpamalas si Lerio ng dati niyang porma na nagbigay rin sa kanya ng karangalan nang kanyang bugbugin ang Belarus pug upang angkinin ang panalo sa bisa ng referee-stopped-contest sanhi ng head blows (RSC-H).

Sunud-sunod na atake ang ibinigay ng dating Sydney Olympian kay Chavazi, ang 2003 European Champion na hindi nagawang makasagot kung saan tinamaan ito sa ulo na nagpuwersa sa referee na itigil ang kanilang laban.

Ang tagumpay ni Lerio sa 57kg. bout ang nagkaloob ng award sa kanya bilang Best Fighter sa 14-nation tournament na ito na sanctioned ng Amateur International Boxing Association.

Ang tagumpay ni Lerio ay nalukuban ng kulimlim makaraang dumanas si Harry Tanamor ng kontrobersiyal na 8-5 pagkatalo sa mga kamay ni Lithuanian Ivan Stapovic para sa silver medal sa 51kg. category.

Isa sa kinukunsiderang mahusay na boxer ng bansa para sa Olympic medal, ilang ulit na nakipagsabayan si Tanamor sa kanyang kalabang, subalit apat na ulit itong binalewala ng referee upang bigyang pabor ang local favorite.

Susunod na kakampanya ang Filipinos sa Boxam International Championships sa Sevilla Spain sa Mayo 18-25 bago tutungo sa Acropolis Cup sa Greece sa Mayo 28-Hunyo 2.

ACROPOLIS CUP

AMATEUR INTERNATIONAL BOXING ASSOCIATION

ARLAN LERIO

BELARUS

BEST FIGHTER

BOXAM INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS

CHACIGOV CHAVAZI

EUROPEAN CHAMPION

HARRY TANAMOR

LERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with