Phil. Star sinorpresa ng Batang Red Bull Barako
May 18, 2003 | 12:00am
Nagtala ng game high 39 puntos si Francis Raushmayer upang pangunahan ang Red Bull Barako na sorpresahin ang lider na Phil. Star sa pamamagitan ng 96-76 tagumpay, sa harap ni Photokina president Jaime Chua, sa bakbakang tinampukan din ng silatan sa pagpapatuloy ng Coke Light Invitational Basketball championship sa Meralco gym.
Maagang nanalasa ang Red Bull nang sa unang bahagi pa lamang ng laro ay agad nag-init si Raushmayer nang kumana agad ito ng 17 puntos at humatak din ng kabuuang 8 rebounds upang takpan ang kanyang hindi magandang performance noong nakaraang Sabado.
Ang kabiguan ng Starmen ang dumungis ng kanilang malinis na record sa 3-1 panalo-talo karta at makatabla ang PLDT na namayani naman sa Sunkist 110- 70.
Hindi rin nakalusot ang defending champion RCBC sa mainit na hamon ng CAR Inc. nang ipalasap nila sa Bankers ang 115-103 sa likod ng malagkit na opensa ni Ariel Noora na nagrehistro ng 31 puntos para sa Car Makers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended