Tanamor, Lerio aasinta ng gold
May 18, 2003 | 12:00am
KAUNAS, Lithuania Impresibong performance ang ipinamalas nina Harry Tanamor at Arlan Lerio upang tabunan ang pagkatalo ng dalawang iba pang RP fighters nang umusad sila sa finals ng 7th A. Socikas International Boxing Tournament dito.
Pinaulanan ng suntok ni Tanamor ang Busan Asian Games silver medalist Zmaicik Segei ng Belarus noong Sabado.
Isang magandang pagbabalik naman ang isinagawa ng beteranong internationalist na si Lerio nang umiskor ito ng 16-8 panalo kontra Slovenian Roman Durina.
Ang panalo ng dalawa ang nag-angat sa kampanya ng RP team makaraang mapatalsik sa kontensiyon sina featherweight Jenebert Pasadre at lightweight Esmael Bacongon sa semis.
Yumukod si Pasadre sa kalabang Lithuanian na si Marius Narke-vicius, 12-6, habang dumanas naman si Bacongon ng 15-8 pag-katalo sa mga kamay ni Latvian Andrej Achmedov.
Si Tanamor, na bagamat nakarating sa finals ng Busan Asiad ay natalo sa South Korean pug sa finals, ay sumabak sa aksiyon bilang flyweight dito, subalit sa pagbalik sa iba pang tournament sa Greece at Spain sa susunod na linggo siya ay kakampanya para sa lightflyweight
Susunod na makakaharap ni Tanamor si Ivan Stapovic ng host Lithuania sa finals, habang magtatangka naman si Lerio na maiuwi ang gold kontra Chacigov Chavazi ng Bulgaria.
Gaya ng dapat asahan, dominado ng Russia ang nasabing slugfest nang pumasok ang lima nilang boksingero sa finals, na sinundan ng Poland at Lithuania na may tigatlo.
Sina Pasadre at Bacongon ay nakuntento lamang sa bronzes sa 57kgs. at 61kgs., ayon sa pagkakasunod.
"So far the officiating is okay. We have a good chance if it stays that way for the final," wika ni head coach Pat Gaspi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended