^

PSN Palaro

Tanamor, 3 pang Pinoy umusad sa semis

-
KAUNAS, Lithuania – Binugbog ni lightfly Harry Tanamor ang kanyang kalabang Czechoslovakian na si Faber Frantiser upang pangunahan ang tatlo pang Pinoy boxers sa semifinals ng 7th A. Socikas International Boxing tournament dito.

Ang 24 anyos na si Tanamor, nagpakita ng pormang nagpanalo sa kanya ng silver medal sa 2002 Busan Asian Games, ay kumunekta sa lahat kontra sa Czech upang magwagi sa pamamagitan ng RSC-O (Referee-Stopped-Contest-Outclassed) at makasama sina Arlan Lerio, Jenebert Pasadre at Esmael Bacongon sa medal round.

Nakasiguro na ng apat na bronze, pumusisyon ang apat na Pinoy para makipaglaban sa pangkalahatang kampeonato sa 4-day, 14-nation tournament na sanction ng Amateur International Boxing Association.

Si Tanamor, winner ng dalawang golds sa Azerbaijan at Greece noong nakaraang taon, ay makikipagpalitan ng suntok kay Zmaicik Setgej ng Belarus sa semifinal.

Si Lerio, nagbabalik sa national pool makaraang ang dalawang taong pagkawala, ay makakaharap naman si Roman Durina ng Slovenia sa 54 kgs. class, habang si Pasadre naman ay makikipagtagpo sa local bet na si Marius Nerkevicius sa 57 kgs. category.

Ang Latvian na si Andrej Achmedov naman ang makakalaban ni Bacongon sa 61 kgs. division.

Tanging si Florencio Ferrer lamang ang nalaglag sa limang Filipino fighters na ipinadala ng Amateur Boxing Association of the Philippines nang yumuko ito sa local bet na si Alvaras Urbonavicious, 12-9.

"So far so good. Sana tuloy-tuloy na," ani head coach Pat Gaspi.

Sinabi naman ni ABAP president Manny Lopez na ginagawa lamang ng mga boksingero ang mga dapat asahan sa kanila.

They really prepared hard for this trip. After all, a three-tournament campaign comes very rarely," ani pa ni Lopez.

Pagkatapos ng Lithuania, tutungo ang RP boxers sa Sevilla, Spain para sa Boxam International Championships at pagkatapos ay sa Greece para sa 14th Acropolis Cup.

Bahagi lamang ito ng paghahanda ng mga boksingero para sa Southeast Asian Games at Manila Olympic qualifying.

ACROPOLIS CUP

ALVARAS URBONAVICIOUS

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

AMATEUR INTERNATIONAL BOXING ASSOCIATION

ANDREJ ACHMEDOV

ANG LATVIAN

ARLAN LERIO

BOXAM INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS

BUSAN ASIAN GAMES

ESMAEL BACONGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with