"We are confident of doing well in the NBL," wika ni team owner at NBL vice president Nathaniel Tac Padilla ng Cooking Oil Masters, na siyang kakatawan sa Bulacan sa regional cagefest na ito. "We have a new coach in Bobby (Parks) and a new set of players."
Humulma si Parks, seven-time PBA Best Import ng isang malakas na koponan na pinangungunahan nina Tyronne Bautista, Rolly Menor, Mario Reyes, Marphyl Limbo, Rodel Manuel, Theody Habelito, Eric Reyes, Matthew Makalintal, Bernard Tanpua, Judge Primero, Erwin Luna, Jay Lapinid at Kenny Evans.
Ayon kay Parks, ang kanyang koponan ay nakahanda na hindi lamang para sa NBL na magsisimula sa Mayo 24 sa Ozamiz City, kundi para na rin sa Springs International commitments gaya ng ABC Champions Cup sa Taiwan ngayong September.
Tatayong assistant coaches ni Park sina Ricky Magallanes, Bert Polido at Lemuel Ortiz.
Ang iba pang koponan na kalahok sa torneong ito ay ang Tarlac, Pampanga Dragons, Forward Taguig, Bacolod City, Negros Oriental, Shineway-Ozamiz at Cebus M. Lhuillier Kwarta Padala.