^

PSN Palaro

Premyo ng mga siklista ipinamigay na

-
Napasakamay na noong Miyerkules ang mga cash prizes ng 84 siklistang lumahok sa nakaraang Tour Pilipinas 2003 kung saan nagbulsa ang individual champion na si Arnel Querimit ng halos tersera sa nakatayang P1 milyon na premyo habang di rin nagpahuli si Warren Davadilla nang kanyang pamunuan ang Intel na kumita rin ng mahigit sa kalahati.

Kumita si Querimit ng P259,000 na hindi pa kasama ang kanyang bahagi para sa P124,000 na pinanalunan ng kanyang Tanduay team makaraang masungkit ang ikaapat na posisyon sa team category at manguna sa unang Team Time Trial na ginanap sa Naga City kung saan tumapos siya ng ikaapat sa ikalawang TTT sa Laoag City.

Ipinamahagi ng Air21 na siyang nagpresinta ng 18-araw, 15-stage na pagbuhay sa tanyag na Tour sa isang simpleng seremonya sa kanilang Cargohaus offices sa Parañaque City noong Miyerkules ng hapon. Ibinigay nina tour organizer at Air21 president Lito Alvarez at Tour executive director Mar Mendoza ang mga tseke at cash prizes sa lahat ng riders.

Ang ibinulsa ni Querimit na P200,000 premyo ay mula sa kanyang pagiging overall champion at ang iba pa ay mula naman sa paghawak niya ng yellow jersey at pagtapos sa top three placings sa ilang yugto ng Tour na suportado ng FedEx, Mail and More, Longines Swiss watches, Accel, BPI-MS, San Mig Light, Lipovitan at Philtranco.

Sinagot na rin ng Air21 ang taxes sa mga premyo na nagkakahalaga ng P.8 milyon bago pa man magsimula ang Tour noong nakaraang Abril 24.

Karamihan sa nag-uwi ng malaking premyo ay ang top 10 finishers na kinabibilangan nina Merculio Ramos ng Samsung, (P123,000), Davadilla ng Intel (95,000), Rhyan Tanguilig ng Pagcor Sports (P56,000), Ronald Gorrantes ng EcoSaver (P87,000), Enrique Domingo ng Postmen (P76,000), Bernard Luzon ng Patrol 117 (P70,000) at Felix Celeste ng VAT Riders’ (P23,000).

Nagbigyan rin ng malaking bonus sina Domingo na tinanghal na Sprint King at si Placido Valdez na King of the Mountain na tig-isang Longines Swiss digital watch na nagkakahalaga ng P40,000 para sa kanilang individual titles.

ARNEL QUERIMIT

BERNARD LUZON

ENRIQUE DOMINGO

FELIX CELESTE

KING OF THE MOUNTAIN

LAOAG CITY

LITO ALVAREZ

LONGINES SWISS

MAIL AND MORE

MAR MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with