Gayunpaman, dapat na magsaya ang lahat dahil naipangako ng pamahalaan ng Air21 na at least five years ang kanilang pangakong suporta dito.
O bongga di ba?
Next year nga yata ay Luzon-Visayas-Mindanao na sila.
Kaya abangan na lang ninyo.
Salamat kina Bert Lina at Lito Alvarez sa kanilang pagbuhay muli sa karerang apat na taon ding nawala sa kalsada.
Hindi ko lang maalala kung 1996 o 97 yun nang kunin din ni Henry (palayaw ni Domingo sa mga taga-Star, kung saan dati siyang carrier) ang yellow jersey na sagisag ng pangkalahatang liderato.
Matapos na makuha ang Olongapo lap na kanya ring ginawa ngayong taon, natikman ni Henry ng isang araw ang yellow jersey.
Ngunit tulad nga ng kasaysayan, hindi nito namintina dahil pagdating sa akyatan sa matatarik na bundok na tulad ng sa Baguio City, hindi niya forte ito dahil sa patag na road cycling bihasa si Henry.
Gayunpaman, hindi masama ang loob ni Henry dahil inaasahan niya ito. Mas malaking konsuwelo sa kanya ang tanghaling "Sprint King". At kuntento na rin siya sa pagiging No. 6 overall na may premyong P30,000. Sa kabuuan, malaki-laki rin ang premyo niya. Bukod sa P30,000 sa pagiging Sprint King, P10,000 sa Olongapo lap, P3,000 sa one-time overall niya at higit sa lahat ay ang paghahatian nilang P500,000 bilang second place sa team. Bukod pa ang Longines watch na nagkakahalaga ng P40,000.
At hindi magkamayaw sa pagpapasalamat si Henry sa Star Group of Publication Pres/CEO Miguel Belmonte sa tulong na ipinadala nito sa kanya.
Salamat daw po Bossing".