Postmortem: Tour Pilipinas 'Mas maganda sana kung tumakbo si Espiritu' Querimit
May 13, 2003 | 12:00am
"Wala na siguro akong hihilingin pa." Ito ang tanging nabigkas ni Arnel Querimit, ang unang kampeon ng bagong kabanata ng cycling Tour na binigyang buhay muli ng Air21.
Matapos mabigo sa anim na pagtatangka nito sa dating Marlboro Tour, napasama rin si Querimit sa listahan ng mga cycling champions nang kanyang pagharian ang 15-stage ng katatapos lamang na Tour Pilipinas.
Para sa 27-gulang na si Querimit, mas maganda sana kung nakasali ang kinikilalang No. 1 cyclists ng bansa na si Victor Espiritu gayunpaman, inamin nitong naging malaking banta din sa kanya ang kanyang mga kasamahan sa national team na sina Warren Davadilla at Merculio Ramos gayundin ang upcoming cycling star na si Rhyan Tanguilig.
"Alam naman natin dito, si Victor talaga ang kinikilalang No. 1," wika ng Tanduay skipper na tubong-Pozzorubio, Pangasinan. "Sa ibang laro naman sa labas, natatalo ko rin si Victor. Saka, iba ang karera na ganito. May halong suwerte din," dagdag pa ni Querimit.
Naging mahigpit na hamon kay Querimit si Merculio Ramos ng Sam-sung na humawak ng yellow jersey ng pitong araw gayundin si Davadilla na laging nasa likuran lamang niya.
"Si Elmo (Ramos), talagang malakas yun. Umpisa pa lang, alam na ng tao na siya, ako, si Warren o si Henry Domingo ang maglalaban-laban para sa overall," sabi ni Querimit na umani ng mahigit P250,000 kabilang ang P200,000 champion purse.
Naging malaking banta kay Querimit si Tanguilig na nakalapit ng hanggang isang minuto at 39 segundo sa kanyang yellow jersey sa ika-13th stage ngunit masaklap na kapalaran ang kanyang sinapit sa stage 14.
"Si Rhyan, masasabi natin na kulang pa sa experience. Lamang talaga kung national team ka kasi tuloy-tuloy ang training mo. Pero nakita naman natin na malakas talaga siya," ani Querimit.
Sa ngayon, ang circuit races ng Air21 at ang SEA Games sa December ang pagtutuunan ng pansin ni Querimit.
"Siyempre, gusto natin magka-gold sa cycling para sa bansa," pangwakas niya. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended