Aguilar nanagasa sa Subic International
May 12, 2003 | 12:00am
SUBIC Ginawang sandigan ni Oscar Aguilar ang kanyang jackrabbit na panimula bago sinabayan ng kanyang malalim na karanasan upang talunin ang kanyang mga kalaban at mapagwagian ang 7th at 8th legs ng Class C category sa Subic International Raceway dito.
Sa kabila ng naunang gameplan na manatiling nakabuntot lamang sa kanyang mga kalaban, isang mabilis na hakbang ang kanyang ginawa sa kalagitnaan ng laps nang kanyang pamunuan ang umaga at hapon na karera na nagpalawig ng kanyang bentahe sa Class C sa 12-leg car racing tournament.
Si Aguilar na team captain rin ng five-man Caltex-Havoline Racing Team ay naglabas ng maningning na performance sa umagang karera sa kanyang isinumiteng 31.20.99 oras upang talunin ang kalabang si Gaby dela Merced ng apat na segundo lamang.
Hindi pa kuntento sa kanyang unang panalo, nagsama ng lakas si Aguilar at ang kanyang kakamping si Dr. Peewee Mendiola ang nagbigay sa kanilang koponan ng 1-2 finish na hapong karera. Si Aguilar ay mayroong 34:49.30 oras na may halos dalawang segundong layo kay Mendiola na may 34:51.21.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended