At dahil isang malaking threat ang non-RP team na si Rhyan Tangui-lig, nagkaisa ang mga miyembro ng Pambansang koponan para ilag-lag ito.
Nagkakatotoo ang sinabi ng Tanduay skipper na si Querimit at Sam-sung team captain na si Ramos.
Sa pagtatapos ng Stage 13, isang minuto at 39 segundo lamang ang layo ni Tanguilig sa overall leader na si Querimit, ngunit matapos ang 205.8 kilometrong Agoo-to-Malolos Stage 14 kahapon na pinangu-nahan ni Bernard Luzon ng Patrol 117, bumagsak si Tanguilig sa ikaapat na puwesto na may distansiyang 10-minuto at 13 segundo sa 51-hours, 56-minutes at 16 seconds total time ni Querimit.
Nasira ang gulong ni Tanguilig sa bayan ng Malasigui sa Pangasinan na siyang dahilan para maiwanan siya ng mga RP riders na sina Querimit, Enrique Domingo ng Postmen, Alfie Catalan ng Bowling Gold, Warren Davadilla, Ramos at Ronald Gorrantes ng Eco-Savers at di na ito nakaangat pa.
Umakyat si Ramos na may 5:20 minutong layo sa yellow jersey kasunod si Davadilla ng Intel na may 5:38 minutong distansiya.
"Masama ang pakiramdam ko kahapon pero paggising ko kanina, bumalik ang lakas ko," ani Querimit. "Hindi pa tapos ito pero di naman nila basta-basta maaagaw sa akin ito, huwag lang akong mag-papabaya."
Kailangan na lamang dumepensa ni Querimit sa pinakahuling yugto ng 15-stage, 18-days race na ito na hatid ng Air21, ang Luneta Circuit na may distansiyang 4.68 kilometrong iikutin ng 32 beses para makumpleto ang 150 kilometro para tuluyang makopo ang P200,000 champion prize dagdag sa kanyang tatlong stage wins.
Pumukaw naman ng pansin ang Patrol 117 skipper na si Luzon, ang Stage 9 winner, nang kanyang maisubi ang ikalawang P10,000 stage prize nang kanyang tawirin ang finish line sa tapat ng makasaysayang Barasoain church, sa tiyempong 4:03.01.
Tila wala na ring kawala sa Intel ang P1 milyong team prize na may kabuuang oras na 205:03.31 matapos ang 2,312 kilometro na may 16:35 distansiya sa pangalawa na ngayong Postmen. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)