PLDT, Phil. Star maghihiwalay ng landas
May 10, 2003 | 12:00am
Maghihiwalay ng landas ang host Phil. Star at star-studded PLDT sa kanilang pagtatagpo ngayon sa pagpapatuloy ng elimination ng 2003 Coke Light Invitational Basketball tournament sa Meralco gym.
Kapwa tangan ang 2-0 panalo-talo record, tangka ng dalawang koponan na maisubi ang panalo para makasiguro sa top 4 na maghaharap sa crossover semifinals.
Ang bakbakan ay sa ganap na alas-11:00 ng umaga.
Mauuna rito, target ng Sunkist at CAR Inc. na masungkit ang kanilang unang panalo sa kanilang paghaharap sa alas-8 ng umaga.
Ito ay susundan ng laban ng Red Bull at defending champion RCBC Savings Bank sa alas-9:30 ng umaga.
Muling sasandal ang PLDT sa kanilang playing coach na si Bill Bayno at mga beteranong sina Frankie Lim, Josel Angeles, John Ramirez, Gabby Cui, Ryan Cristobal, Jeremy Anicete at Al Panlilio ngunit hindi magbibigay ng puwang ang Starmen ni coach Noli Hernandez na isasalang sina Chris Dela Cruz, Ver Roque, Noli Lapeña, Ting Hojilla at Rene Recto sa opensa at sa depensa naman ay tiyak na ipapanangga sina Jonjon De Guzman, Roy Canlas, Mario Geocada, at Alfred Bartolome, sa ligang inorganisa ni Miguel Belmonte, president ng STAR Group of Publications para paglapitin ang naturang kom-panya at mga advertisers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended