Youth leader sa Mindanao nakipagksundo sa PSC

Ang mga kabataang leaders mula sa Mindanao ay nakipagkasundo kahapon kay Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain na magbibigay ng suporta para sa Palarong Pambansa na nakatakda sa Mayo 18-25 sa Tubod, Lanao del Norte.

Nagpahayag ng suporta kay Buhain ang mga bangsa Moro Youth Movement, ang united youth arm ng iba’t ibang organizations kabilang ang Moro National Liberation Front, Mindanao Union of Student Council Leaders (Muscles) at iba pang grupo ng suporta sa pagisisikap ni Buhain na maituloy na ang nasabing Games sa Tubod habang siniguro rin nila ang kaligtasan ng mga kalahok.

Sinabi rin ng Moro youth leaders na iimplementa nila ang ceasefire agreement sa pagitan ng government at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bisinidad ng Tubod, kahit na humingi sila ng tulong sa PSC na ang Palaro ay maging isang instrumento para sa kapayaan para sa rehiyon.

Samantala, ilang oras makaraang bigyan ng go-signal para sa Palarong Pambansa, nagpahayag si Buhain ng kasiyahan hinggil sa ginagawang preparasyon ng Tubod, Lanao del Norte.

"Kahit kami nabigla," ani Buhain. "In just one week since we announced the Palaro will push through on May 18-25, volunteers have lined up at the offices of Gov. Imelda Dimaporo and Cong. Bobby Dimaporo. They will be known as the ‘smiling faces of Mindanao, ‘a facet of the region which we should know about."

Show comments