Binalutan ng kontrobersiya ang 83 kilometer stage kahapon na pinagharian ng Intel nang mag-protesta ang pumangalawang Bowling Gold Team.
Inireklamo ng Bowling gold ang pagkaantala ng kanilang mga siklista sa crossing bago tumawid sa Gilbert bridge na malapit sa finish line kung saan nagkabuhul-buhol ang trapiko.
Napilitang bumaba sa kanilang bisikleta sina Santi Barnachea, Alfie Catalan, Rolando Pagna-nawon at Michael Gonowon upang makalusot sa huling 700 meter ng karera.
Matapos mabatid ang insidente, binawasan ni chief commisaire Renato del Mundo ng 18 segundo ang oras ng Bowling Gold base na rin sa report ng motorcycle commisaire na nakakita ng insidente, at hindi 45 segundo na naitala ng kanilang team time keeper.
Hindi pumayag ang kampo ng Bowling Gold na nagbantang mag-withdraw sa karera ngunit matapos ang mahabang deliberasyon, tinanggap ni del Mundo ang kontensiyon ng Gold.
Ang Intel na nagtala ng pitong oras, 19 minuto at 43 segundo sa pinagsama-samang oras nina team captain Warren Davadilla, Nilo Estayo Paulo Manapol at Michael Reyes ang nagsubi ng P20,000, nagkasya lamang ang Bowling Gold sa P10,000 bilang runner-up sa kanilang oras na 7:12.19.16 habang may P5,000 naman ang Tan-duay na hinatak ni Querimit, na siyang nagdala din sa kanya sa overall leadership.
Anim na araw ding naisuot ni Ramos ang yellow jersey nang makuha niya ito kay Querimit noong Stage 4 ngunit ngayon ay may 43 se-gundo na siyang layo sa overall leader na may oras na 35:39.14.
Nangunguna pa rin sa P1 million team prize ang Intel na may kabuuang 143:56.49 na may 22.38 segundong layo sa puma-pangalawang Postmen, kasunod naman ang Tan-duay, Samsung at Eco-Savers.
Bumagsak ng isang baitang si Postmen Enrique Domingo na mula sa third overall ay nasa ikaapat na, kasunod sina Warren Davadilla ng Intel, Santi Barnachea ng Bowling Gold, Bernard Luzon ng Patrol 117, Joseph Millanes ng Tanduay at Lloyd Reynante ng Pagcor.
Ang Stage 11 ngayon ay magmumula sa bayang ito patungo sa San Fernando, La Union na may 214.2 kilometer massed start. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)