Alapag, umaalagwa sa mga rookies
May 6, 2003 | 12:00am
Bagamat napiling ika-10th sa nakaraang PBA Annual Draft, unti-unting umalagwa ang mahusay na pointguard ng Talk N Text na si Jimmy Alapag nang kanyang panguna-han ang karera para sa Rookie of the Year award.
Kung ngayon gagawin ang botohan ng mga players at media, siguradong ang dating manlalaro ng Cal State-San Bernardino na si Alapag ang siyang mag-uuwi ng nasabing award na inaasam ng sinumang rookie.
Kabilang sa kinukunsiderang magiging mahigpit na kalaban ni Alapag para sa nasabing karangalan sina Mike Cortez at Brandon Cablay ng Alaska at Ronald Tubid ng Shell at Harvey Carey ng Talk N Text para sa nasabing award.
Dahil sa kanyang magandang ipinapakita sa Phone Pals, nangunguna si Alapag sa lahat ng freshmen sa scoring at assists, habang ikatlo naman siya sa steals sa likod nina Cortez at Tubid.
Bandera naman si Carey, ang No. 4 pick sa field sa rebounding, habang sina Cortez, Enrico Villanueva ng Red Bull at Marlon Legaspi ng San Miguel ang nagsosyo naman sa departamento ng shot blocks.
Sa kanyang unang 13 games, si Alapag ay nagposte ng averages na 15.5 puntos mula sa 47.1 percent field goal shooting kung saan nakadikit naman si Tubid na may-roong 13.1 point at si Cortez na may 12.9 point average. Ang iba pang rookies na mayroong magandang averages ay sina Carey (9.0), Cablay (8.4) at Villanueva (6.7).
Hawak rin ni Alapag ang pangunguna sa assists department sa kanyang itinalang 6.8 kada laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended