Balewala ang presensiya ni 7-time Best Import Bobby Parks na tumipa ng 30 puntos nang pabagsakin sila ng Starmen, 83-71, habang nagtulong naman sina ex-PBL player Ryan Cristobal at ex-MBA cager John Ramirez nang kanilang gulatin ang defending champion RCBC, 84-78.
Kinana ni playing coach Bill Bayno ang dalawang krusiyal na back-to-back basket na nagsiguro sa panalo ng PLDT.
Hindi rin naging sapat ang 33 puntos na itinala ni dating SSC Stags Aldrin Morante, kabilang na ang walong tres na kanyang ipinukol upang dalhin ang Bankers.
Naging epektibong bantay sina Roy Canlas at Jonjon de Guzman kay Parks, na bagamat nagtala ng game-high 30 puntos ay hindi nakaasa sa suporta ng kanyang teammates.
Hindi nakapaglaro si ex-PBA coach Norman Black para sa Sunkist dahil sa kapaguran nito sa basketball camp ng RFM at Tyrone Bautista na nasa Indonesia kasama ang Spring Cooking Oil.
Sa ikatlong laro, nagtala ng 25 puntos si Francis Raushmayer ng itala ng Red Bull ang kanilang unang panalo sa pamamagitan 84-60 pamamayani kontra sa CAR Inc. (DMVillena)