^

PSN Palaro

2nd win kinamada ng PLDT at Phil. Star

-
Kinamada ng host Phil. Star at ng star-studded PLDT ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Coca-Cola Light Invitational Basketball tournament sa Meralco Gym, kahapon.

Balewala ang presensiya ni 7-time Best Import Bobby Parks na tumipa ng 30 puntos nang pabagsakin sila ng Starmen, 83-71, habang nagtulong naman sina ex-PBL player Ryan Cristobal at ex-MBA cager John Ramirez nang kanilang gulatin ang defending champion RCBC, 84-78.

Kinana ni playing coach Bill Bayno ang dalawang krusiyal na back-to-back basket na nagsiguro sa panalo ng PLDT.

Hindi rin naging sapat ang 33 puntos na itinala ni dating SSC Stags Aldrin Morante, kabilang na ang walong tres na kanyang ipinukol upang dalhin ang Bankers.

Naging epektibong bantay sina Roy Canlas at Jonjon de Guzman kay Parks, na bagamat nagtala ng game-high 30 puntos ay hindi nakaasa sa suporta ng kanyang teammates.

Hindi nakapaglaro si ex-PBA coach Norman Black para sa Sunkist dahil sa kapaguran nito sa basketball camp ng RFM at Tyrone Bautista na nasa Indonesia kasama ang Spring Cooking Oil.

Sa ikatlong laro, nagtala ng 25 puntos si Francis Raushmayer ng itala ng Red Bull ang kanilang unang panalo sa pamamagitan 84-60 pamamayani kontra sa CAR Inc. (DMVillena)

BEST IMPORT BOBBY PARKS

BILL BAYNO

COCA-COLA LIGHT INVITATIONAL BASKETBALL

FRANCIS RAUSHMAYER

JOHN RAMIREZ

MERALCO GYM

NORMAN BLACK

RED BULL

ROY CANLAS

RYAN CRISTOBAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with