^

PSN Palaro

Alaska-Sta. Lucia Rivalry

FREE THROWS - AC Zaldivar -
HINTAYIN lang niya ako diyan!

Iyan ang tinuran ni Sta. Lucia Realty head coach Alfrancis Chua patungkol kay Tim Cone matapos na magwagi ang Realtors laban sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa kanilang huling laro noong Linggo.

Kasi nga, sa panalong iyon ng Realtors ay sumampa sila sa ikalawang puwesto sa likod ng Alaska Aces na nangunguna sa Group A ng Samsung-PBA All-Filipino Cup.

Ewan namin kung nanunuya lang si Alfrancis pero tila hindi pa tapos ang hidwaang namagitan sa kanila ni Cone sa laban ng Realtors at Aces noong isang linggo.

Magugunitang sa larong iyon ay tumawid si Cone sa kampo ng Realtors matapos na matawagan ng foul si Miguel Noble laban kay Dennis Espino. Hinihingi ni Cone na tawagan ng flagrant foul si Espino dahil sa diumano’y tumama naman ang siko nito sa mukha ni Noble. Doon nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Chua at Cone.

Parang may rivalry na namamagitan ngayon sa Alaska at Sta. Lucia. Kasi nga’y kitang-kita sa dulo ng larong iyon na pinandilatan ni Kenneth Duremdes ang bench ng Aces matapos na makagawa ng follow-up shot upang siguraduhin ang panalo ng kanyang koponan. Para bang ipinamumukha ni Duremdes sa dati niyang koponan na hindi siya dapat na ipinamigay sa Sta. Lucia at ngayong nasa kampo na nga siya ng Realtors ay gagawin niya ang lahat upang bawian ang Aces.

At suportado naman ni Alfrancis si Kenneth. Katunayan, sa huling laro nila laban sa Purefoods, isa ang kanyang instruction sa third quarter. "When in doubt, ibigay ninyo lang ang bola kay Kenneth at bahala na siya."

So, pagkatapos ng laro kontra Hotdogs, sinabi ni Alfrancis na bagamat nangunguna ang Alaska ay unti-unti namang humahabol ang Sta. Lucia. "Diyan lang sila sa itaas, huwag muna silang aalis. Hintayin ninyo kami!"

Sa tutoo lang, maganda ang ganitong verbal war sa PBA, e. Kapag mayroong mga asaran buhat sa mga coaches, lalong nagngi-ngitngit ang mga fans ng magkabilang kampo. Lalong tumitindi ang pagsubaybay nila sa mga laro ng teams concerned.

Ito ang kailangan ng PBA para mas madagdagan ang following ng liga. Mahirap kasi ‘yung goodie-goodie na lang ang laro at walang pisikalidad sa hardcourt. Mahirap din yung tatahimik lang ang mga coaches at walang maaanghang na salitang bibitawan.

Walang excitement kapag ganoon, eh.

Kaya maganda na rin ang ginagawang ito ni Alfrancis.

Ang tanong nga lang ay kung magre-react si Cone at papatulan ang statement ni Chua.

Baka dedmahin lang.

ALASKA ACES

ALFRANCIS

ALFRANCIS CHUA

ALL-FILIPINO CUP

CHUA

DENNIS ESPINO

GROUP A

KASI

KENNETH

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with