Torres sinampolan si Bulaquitan
May 3, 2003 | 12:00am
Ipinakita ng batang aspirante para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Vietnam ang kanyang kahandaan nang magpamalas ng maningning na performance sa kasalukuyang ginaganap na Milo National Open Invitational Athletics Championships sa Rizal Memorial Track Oval.
Unang sinampolan ng batang si Marestella Torres ang beteranong Olympian campaigner na si Lerma Bulauitan-Gabito nang kanya itong daigin sa long jump event at ibulsa ang gold sa kanyang tinalon na 6.30m sa ikalawang tangka.
Sinalanta ng kanyang groin injury, nakuntento lamang si Bulauitan-Gabito sa silver nang magtala lang ito ng 6.11m na malayo sa kanyang personal best na 6.46m, habang ang bronze ay kinubra ni Leslie Gercado sa kanyang 5.29m na talon.
Gaya ng dapat, ipinakita ni Eduardo Buenavista ang pormang nagbigay sa kanya ng dalawang gold sa nakaraang 2001 Kuala Lumpur SEA Games nang kanyang isukbit at tanggalan ng korona ang defending champion na si Allan Ballester sa 10,000m run sa isinumiteng tiyempong 29:52.9 minutos na tumalo sa 31:39.2 minutos ng huli.
Sinamantala naman ni Rene Herrera ng Philippine Navy A ang pagkawala ni Buenavista sa 3,000m steeplechase nang kanyang ibulsa ang gold sa pagposte ng oras na 9:02.70, habang si Hernani Sore ang nagwagi sa boys; division sa kanyang 10:02.06 na oras.
Sa discuss throw event, binalewala ni Arneil Ferrera ng Philippine Navy A ang kanyang injury sa tuhod na kanyang natamo may apat na buwan na habang nagti-training sa Teachers Camp sa Baguio City upang hindi pakawalan sa kanyang mga kamay ang hawak na ginto nang bumato ito ng layong 44.44m.
Pinarisan rin ni Geralyn Amondoron ang tagumpay ni Ferrera nang maghagis ito ng layong 43.27m upang talunin ang kapwa niya Philippine Army na si Narcisa Atienza (41.23m), habang si Flordeliza Cachero ng University of Baguio ang siyang nag-uwi ng ginto sa 10,000m run sa tiyempong 38:26.34.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest