2nd win asinta ng RCBC kontra PLDT; Phil.Star vs Sunkist
May 3, 2003 | 12:00am
Tatangkain ng STAR Friendship League defending champion na RCBC na masungkit ang kanilang ikalawang panalo sa kanilang pakikipag-tagpo sa PLDT na umaasam ding maitala ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Coca-Cola Light Invitational Basketball tournament sa Meralco gym.
Ang game time sa ganap na alas-9:30 ng umaga.
Mauna rito, target din ng host Starmen ang kanilang ikalawang ta-gumpay sa kanilang pakikipagtagpo sa Sunkist sa pambungad na salpukan sa alas-8 ng umaga.
Muling sasandalan ni Star coach Noli Hernandez ang kanyang mga bataang sina Jonjon De Guzman, Virgilio Roque, Ting Hojilla, Alfred Bartolome at Bong Martinez upang madepensahan ang Sunkist na aasa kina dating PBA coach Norman Black, DLSU standout Tyrone Bautista, 7-time Best Import awardee Bobby Parks na bagamat hindi maaring pagsabayin sa loob ng court ay malaking tinik pa rin para sa Starmen.
Sa kabilang dako naman, muling hihirit ng panalo ang star studded team ng PLDT na pangungunahan ni playing coach Bill Bayno at suportado nina ex-PBA cagers Frankie Lim, Josel Angeles, Gabby Cui at Fil-Am na si Jeremy Anicete upang sugpuin ang may mataas na morale na RCBC na muling sasandal kay dating SSC Stags Aldrin Morante.
Sa huling laro, tatangkain ng Red Bull Barako na maisubi ang kanilang unang panalo sa kanilang pakikipaglaban sa CAR Inc. na umaasam din ng panalo.
Muling magtutulungan sina Kirk Collier, at Edwin Velez para sa kanilang mithiin at inaasahang gagana na ang maiinit na kamay ni Jojo Villapando sa kanilang bakbakan sa alas-11 ng umaga. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended