RCBC, Starmen at PLDT nagbuwena-mano
April 27, 2003 | 12:00am
Agad nagparamdam ng mainit na kampanya ang STAR Friendship League champion RCBC Savings Bank, host Philippine Star at star-studded PLDT sa pagbu-bukas ng Coca-Cola Light Invitational Basketball tournament sa Meralco gym, kahapon.
Binalewala ng Bankers ang presensiya nina dating PBA coach Norman Black at 7-Time Best Import awardee na si Bobby Parks nang igupo nila ang Sunkist 99-88.
Kumamada ng 29 puntos si dating SSC Stags Aldrin Morante upang pamunuan ang RCBC sa pag-atake sa ikalawang bahagi ng laro makaraang tapusin ang first half sa dikit na iskor na 50-48.
Walang nagawa ang imports ng Sunkist na sina Parks, Black at Tyrone Bautista nang magpamalas ng higit na determinasyon ang defending champion.
Sa ikalawang laro, nagpakitang-gilas din ang Starmen nang kanilang ilampaso ang Core Automotive Resources (CAR Inc.) sa isang lopsided 113-63 tagumpay.
Nagtala ng 20 puntos si Cris Dela Cruz habang nag-ambag naman ng 18 puntos bukod pa sa hinugot na 5 rebounds si Jon De Guzman habang nagtala naman ng 15 si Virgilio Roque para sa Star.
Nagpamalas naman ng impresibong performance si playing coach Bill Bayno nang kanyang pangunahan ang PLDT tungo sa 74-63 tagumpay laban sa Red Bull Barako sa ikatlong laro. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended