Nutri-licios lusot

CEBU CITY – Isinalpak ni Efren Valdez ang marginal free throws sa huling 17 segundo nang maligtasan ng Nutri-licious ang dalawang overtime para itakas ang 88-85 upset na panalo kontra sa Hapee Toothpaste kamakalawa ng gabi sa Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa New Cebu Coliseum dito.

Ang kabayanihan ni Valdez, tumapos ng 8 puntos ang nagdugtong sa kampanya ng Juicers na manatiling buhay ang kanilang kampanya para sa tatlong awtomatikong semifinals berth sa bisa ng kanilang 3-4 win-loss slate.

Ito naman ang ikalawang dikit na pagkatalo ng Teeth Sparklers matapos na mabigo sa John-O, 68-71 sa overtime noong nakaraang Abril 22.

Lamang ang Juicers sa 86-82 matapos ang triples ni Nelbert Omolon may 2:34 ang nalalabi sa laro, ngunit nagpakawala si Simon ng tres na naglapit ng iskor sa 85-86 may 1:11 ang nalalabi sa tikada, bago muling nakuha ng Teeth Sparklers ang posesyon.

Samantala, dadako naman ang PBL weekend tour sa Bacolod para sa kasiya-siyang twinbill sa West Negros College.

Tangka ng Nutri-licious ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa ICTSI sa alas-2 ng hapon, habang hangad naman ng Viva Mineral Water na palawigin ang kanilang winning streak sa anim sa kanilang pakikipagtagpo sa Hapee Toothpaste sa alas-4 ng hapon.

Show comments