Ang drug test ay isinasagawa ng hindi ipinapaalam sa mga manlalaro bago pa man magsimula o pagkatapos ng laro.
Hinihinalang si Torion ay gumamit ng mas matapang na klase ng droga base na rin sa suspensiyon na iginawad sa kanya ng Commissioners Office.
Ang suspensiyon ay agad na ipapataw at ang kasong ito ni Torion ay muling i-eevaluate ng Commissioners Office pagkatapos ng Asian Invitations. Kailangan ding sumailalim ni Torion sa rahabilitation program.
Samantala, agad ding nagsagawa ng aksiyon ang koponan ni Torion bagamat nasorpresa sila sa kinalabasan ng drug test na isinagawa noong Abril 20, Palm Sunday kung saan nagwagi ang Thunder kontra sa Coca-Cola ng araw na iyon.
Nagulat ang Batang Red Bull basketball team management nang malaman nila mula sa PBA Commissioners Office na ang isa sa kanilang key player na si Torion ay natuklasang positibo sa droga.
Sa pahayag na ipinadala ng Batang Red Bull management sa PBA Office, sinabi nilang nasorpresa sila sa resulta at hindi nila inaasahan iyon kay Torion na nagpapakita naman ng magandang disiplina sa practice man o sa aktuwal na laro.
Sinabi rin ng Red Bull management na bagamat mahalaga si Torion sa kanilang team, magsasagawa ng karapat-dapat na aksiyon ang management laban kay Torion dahil naniniwala sila na ang mga manlalaro ay dapat na magsilbing role models ng kabataan.
Dahil dito, sinuspindi nila si Torion hanggang sa maipruweba nito na nakatapos na siya sa problema niya sa droga.
Nauna, rito sinuspinde rin sina Fil-Tongan Asi Taulava ng Talk N Text at Fil-Am Dorian Peña ng San Miguel na natuklasang may bahid ng marijuana sa drug test bago mag-opening ang liga. (Ulat ni Dina Marie Villena)