Kahapon, nagpahayag ng pag-ayaw ang Japanese Basketball League na magpadala ng kanilang koponang ilalahok dito dahil na rin sa Severe Acute Respiratory Syndrome outbreak.
Sa isang opisyal na pakikipag-ugnayan kay PBA commissioner Noli Eala, sinabi ni Takehiro Senshu, manager ng public relations and international affairs ng JBL, tinanong nito kung maa-aring i-postpone ang pagdaraos hanggang sa unti-unting mawala ang SARS sa Asya.
"News of the SARS outbreak is always on Japanese television," ayon sa sulat ng JBL. "Is there a possibility of postponing the tournament?"
Ngunit ayon kay Dave Coros ng PBA media bureau na hindi na puwedeng pagbigyan ang kahilingan ng JBL dahil masisira ang schedule ng buong season--isang bagay na malamang na mawala ang Japanese sa Asian Invitationals.
Magpapadala sana ang JBL ng Niigate Alberox, ang top team sa Japanese Super League sa 9-team tournament na nakatakda sa Hulyo 20-Agosto 15.
Naghahanap na rin ang liga ng iba pang options para sa tatlong sports na ibibigay sa foreign entries at inimbitahan na nila ang team mula sa Canada, Australia at Italy at isang club team sa South Korean commercial league.
Ayon sa PBA media bureau, inaasahan ng liga ang kasagutan mula sa Simon Fraser University at University of British Colombia na pangungunahan ng Fil-Am player, at maging sa Australian, Italian at South Korean basketball federations.