Makakasagupa ng Red Bull ang inspiradong Talk N Text sa main-game, alas-7:30 ng gabi sa PhilSports Arena.
Nakasakay ang Thunder sa kanilang siyam na sunod na panalo na bunga ng kanilang Group B leading record na 10-1 na may kalakip nang ticket para sa play-off ng huling quarterfinals slot.
Ang Red Bull ang pi-nakadominanteng koponan sa kasalukuyan ngu-nit ang nakaraang malaking panalo ng Phone Pals ang kanilang magi-ging puhunan para sa mabigat na asignatura.
Ang nakaraang 90-87 panalo laban sa Ginebra sa replay ng kanilang March 21 game ang inaasahang magbibigay ng lakas sa Phone Pals.
Ito ang nag-angat sa Talk N Text sa 6-5 panalo-talo sa likod ng Thunder.
Sa unang laro, magsasagupa naman ang wala pa ring suwerteng Shell Velocity at FedEx Express sa ganap na alas-5:00 ng hapon.
Pinakakulelat ang Turbo Chargers sanhi ng kanilang 2-9 record at kailangan nilang makaipon ng maraming panalo para makaalis sa no. 5 slot na siyang masisibak sa eliminations.
Importante rin ang panalo para sa Express na may 5-5 kartada dahil hindi ito malayo sa ikalimang puwesto na kinalalagyan ng Purefoods, 5-7 sa likod ng San Miguel Beer, 5-6.
Muling aasahan ni coach Yeng Guiao sina Davonn Harp, Mick Pen-nisi, Willie Miller, Jimwell Torion at iba pa para dugtungan pa ang kanilang franchise record winning streak na tatapatan naman nina Asi Taulava, Jimmy Alapag, Harvey Carey, Bong Ravena, Francis Belano at iba pa.