Blu Star ginulantang ng LBC-Batangas
April 21, 2003 | 12:00am
Sa likod ng pagkawala ni head coach Nash Racela, naging matatag ang LBC-Batangas upang hatakin ang 70-62 panalo kahapon kontra sa Blu Star sa Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Pasig Sports Center.
Bumandera si Alex Compton sa kanyang paghakot ng 16-puntos kasama ang apat na triples bukod pa sa anim na rebounds ngunit malaki naman ang naging kontribusyon nina Al Magpayo at Jason Cuevas para sa kanilang tagumpay.
Tumapos si Magpayo ng 13 puntos at pitong rebounds habang nagdagdag naman si Cuevas ng 12 puntos at 11 rebounds kabilang ang walong puntos sa final quarter para manatiling kontrolado ng Batangas Blades ang laro kahit gumawa ng malaking rally ang Blu.
Ang panalong ito ang nagbigay ng karapatan sa LBC-Batangas na makisalo sa liderato ng Luzon Division sa Blu bunga ng kanilang parehong 3-4 record.
Sa kaagahan pa lamang ng laro, umangat na ang LBC sa 19-2 na nagbigay sa kanila ng 35-24 kalamangan sa halftime.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended